Unti-unti nang nagbubunga ang training ni Kai Sotto sa USA, kung dati ay kuwestiyonable ang payat na katawan nito, ngayon ay kapansin-pansin ang paglaki at pagporma ng muscle ng 17-anyos.
Nakakadalawang buwan pa lang si Sotto sa Tate, noong umalis ng Pilipinas ay nasa 210 pounds na kung titingnan ay magaan para sa height na 7-foot-1, dagdag na ito ng 13 pounds.
“Umalis ako dito, 210 pounds ako. Ngayon, nasa 223 na,” saad ni Sotto.
Dumating na sa bansa si Sotto Sabado nang gabi, pokus ang pag-eensayo kasama ang Gilas Pilipinas Youth Team para sa Fiba U-19 World Cup na magsisimula Hunyo 28 sa Heraklion, Greece.
At sa kanyang unang praktis kasama ang national team pool, ipinakita kagad nito ang mga natutunan mula sa nag-improve na ball handling at sipat sa three-point land.
“Sa States, talagang nag-fofocus sila sa individual skills. Iba kumpara dito kasi dito kasama ko yung buong team. Doon naman talagang nagfo-focus sila sa akin… Sobrang intense nila doon,” saad ng tinaguriang ‘Kaiju’.
Sobra rin aniya ang schedule ng training sa US, alas-kwatro pa lang ay gising na ang wunderkind at hanggang alas-singko ng hapon ang training.
“Ngayon na nakapag-training na ako, mas mataas yung kumpyansa ko ngayon kumpara last year. Pero hindi lang dahil sa akin,” aniya pa.
At walang balak tumigil si Sotto, pagkatapos ng Fiba tournament ay muling tutungo sa Florida para ipagpatuloy ang training para makatungtong sa NBA.
The post NBA dream susungkitin: Kai Sotto ‘di na patpatin appeared first on Philippine News.
0 Comments