Nagpaabot ng pasasalamat sa Department of Transportation o DOTr ang mga kawani ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas o LTOP sa programang ibinigay sa mga anak ng kanilang mga tsuper na libreng pag-aaral sa TESDA.
Ayon kay LTOP President Orlando Marquez, pinasasalamatan nila si DOTr Secretary Arthur Tugade sa pagbibigay nito ng pagkakataon na makapag-aral ng vocational course ang mga anak ng mahihirap na tsuper sa pamamagitan ng MOA sa pagitan ng TESDA at DOTr na mabigyan ng pagkakataon ang mga anak ng driver na makapag-enroll na libre sa naturang ahensiya.
Paliwanag ni Marquez napakahalaga ang ginawang hakbang ni Secretary Tugade upang magkakaroon ng pagkakataon na matupad ang mga pangarap ng mga anak ng mahihirap na tsuper na makatapos sa kanilang pag-aaral at mabigyan ng magandang trabaho.[...]
The post Mga tsuper nagpasalamat sa DOTr sa libreng pag-aaral ng kanilang mga anak sa TESDA appeared first on Philippine News.
0 Comments