Hindi sagabal ang kondisyon ng isang drayber ng UV Express para makapagtrabaho ng marangal.
Sa viral Facebook post ni Janine Malagueno Pachoco, sinalaysay niya ang makabuluhang kuwentuhan nila ni Rodiniel Dalisay na mayroong Parkinson Disease.
Ayon sa post, sumakay si Pachoco ng van na biyaheng Binangonan galing trabaho at napansin niya ang kondisyon ng ulitrang tsuper. Pinagusapan nila ang sakit at nagpaalam ang dalaga kung maari siyang kuhanan ng litrato at video.
“Ako ang unang pasahero nya nung araw na yun tinanong ko siya if okay lang siya kasi napansin ko mga galaw nya pero ang ginawa ni Kuya Rodiniel pinakita nya driver license nya na wag daw ako mag alala sa pag mamaneho nya”, aniya.
Tatlumpu’t taon nang namamasada si Dalisay para may pantustos sa pangangailangan ng pamilya. Nadiskubre niya noong 2010 ang nakababahalang sakit.
Sa kabila ng karamdaman, maayos pa rin magmaneho ang lalaki.
Napansin ko naman na maingat siyang driver, sa mga bagong sakay na pasahero nagtaka din sila kay Kuya Rodiniel bakit ganun siya magmaneho magalaw at sa pananalita nya. Kahit ganun sya kumilos ay napaka ayos at smooth nya mag maneho hindi katulad ng ibang driver na kaskasero sa kalsada.”
Dahil sa impormasyong ibinihagi ng drayber, ipinapaliwanag ni Pachoco sa mga pasaherong sumakay din ng UV Express ang sitwasyon nito.
“I just explained to them na may sakit si Kuya Rodinel ng PARKINSON DISEASE at wag mag alala dahil may lisensya siya natuwa din sila sa sipag ni kuya at sa maayos na pag mamaneho nya. Kanya kanya na kami ng suggestions saan siya pwede humingi ng tulong para sa sakit nya.”
Nananitiling positibo ang lalaki at nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang kabiyak at dalawang anak na babae.
“Sinabi nya nga samin na wala pang lunas sa sakit nya kaya imbes na mag stay sa bahay mas gusto nyang maghanap ng pagkakakitaan para sa asawa nya at sa dalawa nyang anak na babae. Kita ko kay kuya na the way siya mag kwento kahit ganun sitwasyon nya positibo pa din siya sa buhay nya naka ngiti lang siya at lagi nya sinasabi inspirasyon nya ang family nya.”
Umaasa si Pachoco na sa pamamagitan ng kanyang post, may mga taong magbibigay ng tulong at suporta kay Dalisay. Hangad niya, maintindihan ng publiko ang pagsusumikap ng tsuper sa buhay.
“Sana may tumulong po sa kanya magkaruon siya ng pagkakakitaan na safe. Matulungan siya sa mga gastusin nya sa mga gamot nya sa sakit nya. Sana hindi makuha license nya dahil sa post na ito kundi mas maunawaan yung purpose nya bakit until now nag da drive pa siya. I hope na mag bigyan siya ng tulong pang financial lalo na sa sakit nyang Parkinson Disease.”
Kahit ang netizens humanga at napangiti sa kasipagan at katatagan ng drayber. Sa ngayon, umabot na sa 14,000 likes at 25,000 shares at patuloy na umuulan ng papuri mula sa social media users.
The post VIRAL: Drayber na may Parkinsons Disease kaya pang magtrabaho appeared first on Philippine News.
0 Comments