Inanunsyo na ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade nitong Biyernes, na libre na ang pagsakay ng mga estudyante sa MRT-3, LRT-2 at sa PNR (Philippine National Railways) pati ang mga terminal fees sa mga airport at seaport ay libre na rin para sa mga estudyante, ito ay kaugnay sa “Malasakit” initiative ng Kagawaran.
Mararanasan ang #LibrengSakay tuwing Lunes hanggang Biyernes (maliban sa holiday), sa mga sumusunod na oras umaga at sa hapon:
> Ang MRT-3 – 5:00-6:30 a.m. at 3:00-4:30 p.m.
> Sa LRT- 2 – 4:30 a.m. – 6:00 a.m. at 3:00 p.m. – 4:30 p.m.
> Sa PNR – 5:00 a.m. – 6 a.m. at 3 p.m. hanggang 4 p.m..
Maging ang terminal fee para sa mga estudyante sa mga paliparang pag-aari at pinangangasiwaan ng CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) ay libre na rin gayundin sa pantalang pag-aari at pinatatakbo ng PPA (Philippine Ports Authority).
Inanunsiyo ni Sec. Tugade sa ginanap na ‘Transport Talks’ ngayong araw ang nasabing magandang balita kasama sina DOTr Usec. for Finance Garry De Guzman, Usec. for Legal Affairs Reinier Yebra, Usec. for Railways Timothy John Batan, Usec. for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, Usec. for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon, Usec. for Maritime Fernando Juan Perez, OIC Usec. for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., at Asec. for Railways and Mindanao Projects Eymard Eje.
Maging sina MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia, LRTA Administrator Reynaldo Berroya, PNR General Manager Junn Magno, PPA General Manager Jay Santiago, CAAP Director General Jim Sydiongco, PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, CIAC President Jaime Melo, MARINA Deputy Administrator for Operations Nanette Dinopol, at LRTA Spokesperson Hernando Cabrera ay nakiisa sa naturang na pag-uusap.
Ayon pa sa Facebook post ng DOTr, patunay aniya ito ng patuloy na pagmamalasakit ng Kagawaran ng Transportasyon at ng mga kaugnay nitong ahensyang MRT-3, LRTA, PNR, CAAP at PPA, upang bigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino, gaya ng hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
The post Mga estudyante #LibrengSakay na sa MRT-3, Lrt-2, PNR; Terminal fees sa airport, seaport libre rin appeared first on Philippine News.
0 Comments