Header Ads

Mga Pinoy, top 3 sa pinakaseksing nasyonalidad sa buong mundo


Pinatunayan ng Big 7 Travel, isang travel and food website, na lungga ng mga seksing nilalang ang Pilipinas.

Sa isinagawa kasing survey ng Big 7 Travel, sa 50 nasyonalidad na kasali ay pumangatlo ang Pilipinas sa pinakaseksi.

Binanggit ng Big 7 Travel sa kanilang artikulo ang mga sikat na Pilipino gaya nina boxing champion at Senator Manny Pacquiao, Filipino-American singer songwriter Bruno Mars at ang mga beauty queen ng Pinas na nagwagi sa ilang international beauty pageants gaya nina Miss Universe queens Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).

“Probably the most famous Filipino in the world, professional boxer Manny Pacquiao along with Bruno Mars and the many Miss World participants make this a top scorer,” ayon sa Big 7 Travel.






Samantala, ang mga Ukrainian ang tinaguriang pinakseksing nasyonalidad sa buong mundo at sinundan ng Danes.

Sumunod naman sa mga Pinoy ay ang Brazilians (4th) at Australians (5th).

Ang survey na pinangunahan ng website ay nilahukan ng 1.5 million readers sa buong mundo.

Sa nahuling survey ng Big 7 Travel survey, ang accent ng mga Pinoy ay tinawag na sexiest sa Asiya at ika-21 naman sa buong mundo.


The post Mga Pinoy, top 3 sa pinakaseksing nasyonalidad sa buong mundo appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments