Header Ads

Sustansiya ng Mangosteen, alamin!


Isa ang Mangosteen sa trending na prutas ngayon na binebenta online at kabi-kabilang kariton naman ang makikita mo sa daan.

Naglalaro ang presyo nito sa P80 hanggang P120 kada kilo.

Ano nga ba ang Mangosteen?

Ito ay isang tropical fruit na mula pa sa Southeast Asiana may katamtamang asim at tamis ang lasa.

Maaaring naririnig mo ito sa mga kapsula ng gamot na ibinebenta at inilalako sa telebisyon o radyo.



Kakaiba kasi ang sustansiyang taglay ng prutas na ito kung kaya naman para sa iba, ginagawa itong gamot bilang lunas sa mga karamdaman.

Anu-ano nga ba ang mga sustansiyang taglay ng Mangosteen?


  1. Punong-puno ito ng nutrisyon at vitamins, minerals at fiber. 
  2. Mayaman sa anti-oxidants. 
  3. Taglay nito ang anti-inflammatory properties 
  4. Mayroong anti-cancer effects 
  5. Makatutulong sa pagbabawas ng timbang 
  6. Sumusuporta sa pagkontrol ng Blood Sugar 
  7. Tumutulong mapasigla ang immune system 
  8. Nagpapaganda at nagpapasigla ng balat 
  9. Masustansiya sa puso, utak at bituka




Hindi naman nakapagtataka kung bakit kinagigiliwan itong kainin ng karamihan.

Mas mainam din na kainin ang natural na prutas kaysa sa mga tabletang gamot, tea products, processed juices, o canned fruits.

Kung hindi mo pa ito natitikman, wag na magdalawang isip dahil hindi mo pagsisisihan ang lasa at sustansiyang makukuha mo.


The post Sustansiya ng Mangosteen, alamin! appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments