Header Ads

Mga barbie, ‘lumahok’ sa isang Santacruzan sa Iloilo


Sa kagustuhang ipagpatuloy ang Flores de Mayo, naisip ng isang grupo sa Leganes, Iloilo na mag-organisa ng kakaibang klase ng Santacruzan sa kanilang lugar.

Imbis na tao, mga manyikang binihasan ang pumarada sa Santacruzan 2020 Barbie Doll Edition nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa organizer na LGBTQ Organization Leganes Chapter, nais nilang idaos ang nakagisnang tradisyon sa gitna ng umiiral na modified general community quarantine sa probinsiya ng Iloilo.

This is to continue our passion and showcase our artistic side, as well as to show our love for fashion,” ani William Recabar sa panayam ng ABS-CBN News Iloilo.

Gawa sa plastic utensils at pira-pirasong kahoy ang mga arko ng barbie at retaso naman ang nagsilbing tela ng kanilang mga gown.

Ang 10 kalahok na manyika ay nagpictorial sa plaza ng lalawigan.

Hangad ng grupo na gamitin ng publiko ang mga talento sa masaya at mabuting paraan habang ipinapatupad pa ang lockdown.


The post Mga barbie, ‘lumahok’ sa isang Santacruzan sa Iloilo appeared first on MMV Hangouts.

Post a Comment

0 Comments