Header Ads

Nanay sa Bataan na may anak na PWD, binigyan ng 20K ni Kuya Wil


Isa na namang mamamayan ang nabigyan ng tulong ng Wowowin host, Willie Revillame sa kanyang online show na “TuTok To Win”.

Sa kanyang segment noong Mayo 22, isa ang ginang mula Bataan sa nabigyan ni Kuya Wil nang premoyo, ngunit sa pagkakataong ito, higit pa sa kalimitan niyang ipinamimigay.

Mapapanood sa show na isa ang inang si Maria sa masuwerteng natawagan ng host.

Agad ipinaalam sa kanya na siya ang nanalo ng 10,000 matapos sundin si Kuya Wil na pasalamatan ang sponsor na “Frontrow”.

Maririnig mula sa telepono na nagsisisigaw sa tuwa ang ginang at sinabing malaking tulong ang matatanggap na halaga para sa kanyang 14-anyos na anak.

Kwento niya, magagamit daw niya ang pera sa maintainance ng kanyang anak na aniya’y isang special child.

Nagulat si Kuya Wil sa narinig kaya tinanong niya ito kung ano ang sakit ng bata.

Saad ni Maria, mayroong sakit sa utak ang anak na muntik niya pa raw isugod sa ospital dahil bigla umano itong inatake.

Maya-maya pa ay muli siyang kinausap ni Kuya Wil sabay sabing dadagdagan ng 10,000 ang premyo sa kabuuang halaga na 20,000.

Ayon kay Kuya Wil, espesyal ang pamilya ni Maria dahil mayroon siyang espesyal na anak.

Samantala, ang naturang segment ay ipinagpapatuloy ni Kuya Wil online matapos suspendihin ang mga live shows dahil sa COVID-19 pandemic.

Panoorin dito ang buong video:



The post Nanay sa Bataan na may anak na PWD, binigyan ng 20K ni Kuya Wil appeared first on MMV Hangouts.

Post a Comment

0 Comments