Header Ads

PANOORIN: Mag-ama ni Andi Eigenmann, magkasamang nag-surfing sa unang pagkakataon


Bilang magaling na surfer, tila hindi ramdam ng nobyo ng aktres na si Andi Eigenmann ang kaba habang nagsa-surfing sa dagat sa Siargao kasama ang kanilang 10-buwang-gulang na si baby Lilo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Philmar Alipayo ang video ng kauna-unahang pagkakataon na bitbit niya ang anak sa pagsa-surf na may caption pang, “Lilo’s First Surf w/ Papa.”

“Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months,” aniya.

Sa unang bahagi ng video ay maririnig si Andi na siyang kumuha ng video habang isinisigaw ang pangalan ng anak.

Gamit ang isang magandang background music, mapapanood at maririnig ang malalakas na alon at ang pakikipagsabayan ng mag-ama sa mga ito.

Makikitang nakatayong pareho si baby Lilo at ang kanyang tatay habang tila nakikipagsayawan sa mga malalaking alon, kasabay ng iba pang surfers.[…]


The post PANOORIN: Mag-ama ni Andi Eigenmann, magkasamang nag-surfing sa unang pagkakataon appeared first on MMV Hangouts.

Post a Comment

0 Comments