Header Ads

Pari, tuloy sa pagmimisa kahit lubog sa baha ang simbahan | Pinoy Speaking


Lubog man sa baha ang simbahan, hindi pa rin natitinag ang pananampalataya sa Diyos ng ilang residente ng Sitio Pariahan, Bulakan, Bulacan.

At kahit halos abot-baywang niya ang tubig, itinuloy pa rin ni Fr. Mon Garcia ang pagmimisa sa lugar noong Mayo 9.

Sa video at litrato na ipinost ng pari, makikita ang mga parokyano na nakasakay sa kani-kanilang bangka habang nakikinig ng salita ng Diyos.


Ayon kay Fr. Garcia, nagdaos siya roon ng misa bilang pagdiriwang ng pista ng patron nilang si Santa Cruz.

Taong 2009 nang simulang makaranas ng land subsidence o unti-unting paglubog ng lupa ang Sitio Pariahan.

Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ilan sa mga pangunahing rason ng subsidence ay ang labis na paghigop ng tubig galing sa ilalim ng lupa at pagbabago ng gamit sa kalupaan bunsod ng paglobo ng populasyon.

Mabilis naman nag-viral sa social media ang nakaaantig na tagpo, na sobrang hinangaan ng mga netizens. […]


The post WATCH: Pari, tuloy sa pagmimisa kahit lubog sa baha ang simbahan appeared first on MMV Hangouts.


* Read more here:

Post a Comment

0 Comments