Viral ngayon sa internet ang animo’y video conference ng isang babaeng amo sa kaniyang mga fur baby upang talakayin kung paano pagkakasyahin ang isang sako ng dog food sa loob ng tatlumpung araw.
Umani ng 6,900 likes at 2,200 shares sa Facebook ang “zoom meeting” na ibinahagi ni Faith Tiangson-Pimentel noong Mayo 17.
Ayon sa isang ulat, ideya mismo ni Pimentel ang online conference na layong maghatid-saya habang umiiral ang enhanced community quarantine.
Dumalo sa isinagawang meeting ang mga alagang aso na sina Amadea, Cucai, Mozzie, Enrique.
Subalit sa gitna ng diskusyon, biglang nakaramdam ng antok si Cucai, habang si Mozzie ay abala na sa paglalaro. Si Enrique naman ay panay na pag-aayos sa kaniyang camera.
Pinasalamatan naman ni Pimentel si Amadea na nanatiling good girl hanggang sa matapos ang videocall conference nila.
The post Amo at kaniyang mga aso, nag-‘online meeting’ para sa supply ng dog food appeared first on MMV Hangouts.
* Read more here:
0 Comments