Header Ads

14th month pay sa private sector, itinutulak ni Sotto


Sa harap ng patuloy na pagtaas ng halaga ng bilihin, naghain si Senate President Vicente Sotto III ng isang panukalang batas upang mabigyan ng 14th month pay ang empleyado sa pribadong sektor. “The 13th month pay is gobbled up by Christmas expenses. We need extra earnings in the middle of the year to help ordinary workers in school and medical expenses,” ayon kay Sotto sa paghahain ng Senate Bill No. 10.

“Health and education needs of the ordinary Filipino must be assisted by our government,” giit pa ni Sotto saka sinabing “masyadong maliit ang P25 dagdag sa sahod kumpara sa daily expenses ng ordinaryong manggagawa.”

Aniya, marami nang beses hiniling ng ilang labor groups na itaas ang minimim wage.



Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy nilang pinag-aaralan ang kasalukuyang settings sa minimum wage matapos maghain ng ilang wage hike petitions bago sumapit ang Labor Day.

Alinsunod sa batas, natatangi ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa bawat rehiyon ang may awtoridad na mag-adjust ng sahod at pagkatapos ng 12 buwan sa huling pagtaas na nangyari noonf Nobyembre 2018.

“Under the proposed measures, it covers all non-government rank and file employees regardless of their employment status, designation and irrespective of the method by which their wages are paid provided that they have worked at least one month during the calendar year,” paliwanag ni Sotto. [...]


The post 14th month pay sa private sector, itinutulak ni Sotto appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments