Pinoy Pride ang tagumpay na nakamit ng pari at canon lawyer na si Msgr. Jonas Achacoso ng Queens of Angel Parish sa Sunnyside New York matapos na igawad sa kanyang libro ang Premio Ranaudo award mula sa Supreme Tribunal of the Apostolic Signatura, ang pinakamataas na Judicial authority ng simbahang katolika.
Kinilala ng Apostolic Signatura ang isinulat na libro ni Achacoso na tumatalakay sa due process sa loob ng simbahan.
Ang mga pag-abuso at maling administrative process ng ilang simbahan ang tumbok ng naturang libro.
Ayon kay Msrg. Achacoso maiiwasan ang ganitong mga pagkakamali kung susundin lang ng tama ang batas na umiiral sa simbahan sa ilalim ng Canon Law.
Ang 256 na pahinang libro na may pamagat na Due Process in Church Administration Canonical Norms and Standard ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga alagad ng simbahan sa buong mundo.
Ilang beses ng nakaladkad sa eskandalo ang simbahang katolika at sa naturang libro nililinaw nito kung ano ang dapat gawin para maagapan at maiwasan ang mga maling desisyon ng mga namumuno ng simbahan.
Maraming pari sa buong mundo ang pinagpilian at isa si Achacoso sa dalawang pari na napili na mabigyan ng Premio Ranaudo na isa sa pinakamataas na pagkilala mula sa Supreme Tribunal of the Apostolic Signatura.
Si Msgr. Achacoso ay tubong Talibon, Bohol at mula sa working class family, panganay siya sa apat na magkakapatid at itinaguyod ng kanyang magulang ang kanyang pag-aaral para maging ganap na tagapaglingkod ng Diyos.
The post Pinoy priest pinarangalan ng Vatican appeared first on Philippine News.
0 Comments