Panibagong pagkilala ang natanggap ng Puerto Princesa Underground River matapos mapasama sa hall of fame ng travel review website na Trip Advisor.
Naniniwala si Beth Maclang, superintendent ng Puerto Princesa Subterranean River Natural Park, na ang parangal na ito ay bunsod ng kanilang magandang customer service at epektibong ecological preservation.
Magsisilbi umano ang nasabing parangal na paalala upang pag-ibayuhin nila ang pangangalaga sa parke, na pangunahing atraksyon sa Puerto Princesa.
Aniya, taon-taon na nakatatanggap ng traveler’s excellence award mula sa Trip Advisor ang UNESCO World Heritage Site mula 2015.
Kabilang ang Freedom Beach ng Phuket, Thailand at Luhur Batukaru ng Java, Indonesia sa mga napabilang sa Hall of Fame ng Trip Advisor.
Ang Trip Advisor ang nangununa at pinakapinagkakatiwalaang social travel website sa buong mundo.
The post Puerto Princesa Underground River, kinilalang “hall of famer” ng Trip Advisor appeared first on Philippine News.
0 Comments