Header Ads

5 bagong radar system, bibilin ng Pinas sa Japan


Balak ng Pilipinas na bumili ng 5 bagong radar system sa Japan para sa pagpapalakas ng kapabilidad ng militar na protektahan ang teritoryo ng bansa ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa isang TV interbyu, sinabi ni Lorenza na naghahanap sila ng pwedeng pagbilihan ng mga bagong radar system bilang parte ng defense cooperation ng Japan at ng Pilipinas.
Ilalagay ang mga bagong radar system na ito sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ipinaalala rin ni Lorenzana ang kapabilidad ng Japan sa Defense industry.
 “For us, I think we can tap into the technology of Japan on Defense industries. Remember, Japan was also a super power in World War 2. They are building planes, warships, and submarines.”
Dahil rito ay magiging malaking tulong ang kaalaman nito ng Japan sa Pilipinas.
“So the technology is there and they are improving it. And Japan is actually willing to help us to improve our defense capabilities,” dagdag pa ni Lorenzana. 

Post a Comment

0 Comments