Header Ads

Ginang tumalon sa dagat bitbit ang sanggol na anak


Bigla na lang tumalon sa barko ang isang babae habang karga ang pitong buwan gulang niyang anak sa Dipolog City.

Batay sa Facebook post ng isa sa pasahero na si JB Mamugay, umalis sa Cebu City patungong Dipolog City sa Zamboanga del Norte ang barko dakong alas-8:30 ng gabi noong Mayo 30.

Kuwento ni Mamugay, unang pagkakataon ito na nangyari sa MV Lady of Joy of Medallion Transport Incorporated.

Dakong alas-7:40 ng umaga ng Mayo 31 nang malapit na ang barko sa Galas Port sa Dipolog City ay bigla na lang tumalon ang babae sa dagat bitbit ang sanggol na anak.
Agad naman silang nailigtas ng crew ng barko.
Masuwerte rin umanong may doktor na pasahero kaya na-revive ang sanggol[...]

Post a Comment

0 Comments