Isang sikat at ipinagmamalaking tourist spot sa bansa ang itinampok ng Google sa front page ng kanilang website.
Itinampok ng Google sa kanilang Doodle ang Puerto Princesa Underground River ngayong Linggo, Hunyo 30 upang ipagdiwang ang ika-7 anibersaryo nito bilang isang Ramsar Wetland of International Importance.
Makikita sa Doodle ang maliit na bangka na mayroong sakay na turistang papasok sa sikat na ilog.
Kilala ang underground river dahil sa natatangi nitong stalactite at stalagmite formation.
Noong Hunyo 30, 2012 kinilala ng Ramsar Convention, isang international body na ginawa para sa konserbasyon ng mga importanteng anyong tubig, ang underground river.
“It connects, a range of important ecosystems from the mountain-to-the-sea, including a limestone karst landscape with a complex cave system, mangrove forests, lowland evergreen tropical rainforests, freshwater swamps,” sabi ng Ramsar Convention.
Ang ilog ay isa ring United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Site at kabilang din sa New 7 Wonders of Nature.
The post Underground River ng Puerto Princesa, tampok sa Google Doodle ngayong Linggo appeared first on Philippine News.
0 Comments