Header Ads

Umento sa sahod ng mga guro, tuloy na tuloy – PDU30


Tuloy ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng umento ang sahod ng mga guro.

Iyon nga lamang ay matatagalan nang kaunti bago ito maipatupad dahil milyon-milyon ang bilang ng mga ito.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa oath taking ng newly elected officials sa Cagayan de Oro City, kagabi ay sinabi niyang ginagawan ng paraan ang umento sa sahod ng mga guro.


“We’re working on it, akong saad, pero timan-i baya there are millions of teachers,” ani Pangulong Duterte.

Matatandaang, nanawagan ang mga guro ng salary increase makaraan ang malakihang umento sa sahod ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel noong 2018.

Ayon sa Pangulo, mas kaunti ang bilang ng mga pulis at sundalo kaya’t agad na dinoble ang sahod ng mga ito.

“Gamay raman ning pulis. Ang pulis something like 160,000, ang military 130,000. Dali ra. Mao nang doblado nani sila karon,” aniya pa rin.


Sinabi ng Chief Executive na iprinayoridad niya ang mga pulis at sundalo dahil sa kahandaan ng mga itong isakripisyo ang kanilang mga buhay para sa bansa[...]


The post Umento sa sahod ng mga guro, tuloy na tuloy – PDU30 appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments