Header Ads

National ID sasampolan na sa Setyembre


IKINAKASA na ng gobyerno ang pilot tes­ting sa implementasyon ng Philippine ID system sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagbigay ng update sa cabinet meeting sina National Econo­mic and Development Autho­rity (NEDA) Secretary Ernesto Pernia at National Sta­tistician Dennis Mapa at iniulat kay Pangulong Rodrigo Duterte na sisimulan ang pilot testing sa Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Inaasahang sa pagtatapos ng termino ng Pangulo sa 2022 ay nakapagrehistro na ang 107 milyong Pilipino.


“There will be a pilot testing which will run from September to December 2019 to register a substantial number of Filipinos nationwide.

By the end of the President’s term in 2022, 107 million Filipinos are targeted to be registered,” ani Pa­nelo.

Matatandaang isinulong ang national ID system para isang ID na lamang ang gagami­tin sa mga transaksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno.

Nakagawian na sa tuwing may transaksiyon sa alinmang mga tanggapan ng gobyerno ay sari-saring ID ang hinihingi na ikinaiinis ng karamihan dahil sa dami ng mga hinihi­nging requirement.


Matatandaang pinir­mahan ni Pangulong Duterte noong Agosto 2018 ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System (PhilSys Act) para isang ID na lamang ang gagamitin sa lahat ng magiging transaksiyon sa gobyerno.


The post National ID sasampolan na sa Setyembre appeared first on Philippine News.

Post a Comment

1 Comments