Header Ads

Madreng Ilongga dineklarang ‘venerable’ ni Pope Francis


Isang Ilonggang madre ang napipintong maging sainthood matapos itong idineklarang ‘venerable’ o kapintu-pintuho ni Pope Francis noong Hunyo 11, 2019.

Ang madreng Pilipina na si Maria Beatriz del Rosario Arroyo ay kinumpirma ng Congregation for the Causes of Saints sa Vatican na namuhay ng may ‘heroic virtues.’ Siya rin ang nagtatag sa Congregation of Dominican Sisters of the Holy Rosary sa Pilipinas.

Ang nasabing madre ay ipinanga­nak noong 1884 sa may kayang pamilya sa Iloilo City ngunit piniling mamuhay nang simple at itinuon ang kanyang buhay sa pagsisilbi sa mahihirap.

Dahil dito, dalawang proseso na lamang ang hihintayin upang ideklarang santo si Mother Arroyo.






Kakailanganin ang isang milagro­ upang maging beato ang madre at isa pa para maging ganap na santo.

Sakaling maaprubahan ang Cause for Sainthood ni Mother Arroyo, siya ang magiging kauna-unahang Pilipinang santo.

“With the promulgation of the decrees of martyrdom and of heroic virtue, the Servants of God are granted the title ‘Venerable’. The next stage in the ‘causes,’ would be beatification, followed ultimately by canonization,” saad sa ulat sa Vatican.

Si Mother Arroyo ay great, great, grandaunt ni dating first gentleman Mike Arroyo. Sumakabilang-buhay ito noong 1957 sanhi ng heart failure.


The post Madreng Ilongga dineklarang ‘venerable’ ni Pope Francis appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments