Header Ads

Kultura ng Igorot, tampok sa bagong lunsad na komiks na “Gayang”


Bibida sa komiks na “Gayang” ang mga mythological creature mula sa kultura ng Igorot: ang “Pinading,” “Gatui” at “Lampong.”

Ang pagbibigay buhay sa mga elemento mula sa kultura ng mga Igorot ay inilunsad ng lokal na art group sa Baguio City ngayong Sabado, Hunyo 22.

Ayon kay Gerald Asbucan, bumo ng Gripo komiks, ang mga estudyante ng senior high school ang nakaisip at nag-aral sa mga elemto na lumalabas tuwing sumisilip ang buwan sa probinsiya ng Cordillera.



Ang ilang artwork din ng mga estudyante ay ginamit sa komiks.

Isa sa paborito nilang elemento ay ang Gatui ng Ifugao, kumakain ng kaluluwa ng mga tao lalo na ng mga hindi pa sinisilang na bata, kahalintulad ng mga mananaggal.

Ang Pinading naman ay isa pang elemento mula Tuwali Ifugao. Isa itong espiritu na may dilaw na buhok.

Mala-duwende naman na protektor ng kalikasan ang mga Lampong [...]


The post Kultura ng Igorot, tampok sa bagong lunsad na komiks na “Gayang” appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments