Header Ads

Nutri-bun at Klim milk ibabalik ni Isko


Planong ibalik ni incoming Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang “nutri-bun” at “Klim milk” sa lahat ng pampublikong eskuwelahan sa elementarya sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Mayor-Elect, prayoridad niya ang kalusugan ng mga batang mag-aaral kaya nais nitong muling ibalik ang dati nang ibinibigay sa mga bata na nasa Kinder hanggang Grade 6 ay rarasyunan nito.



Ang nutribun ay isang uri ng tinapay na nagtataglay ng bitamina at mineral para sa wastong nutrisyon ng mga mag-aaral. Aniya, kapag busog ang bata ay magiging malusog sila at ganadong mag-aral lalo na at karamihan sa mga bata ay pumapasok na kumakalam ang kanilang mga sikmura.


The post Nutri-bun at Klim milk ibabalik ni Isko appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments