Header Ads

Christmas gift? Biyaheng Cubao-Makati, 5 minuto na lang – Duterte


Isa sa mga malalaking problema sa Pilipinas ang malalang traffic sa mga malalaking kalsada sa Metro Manila, at sa Disyembre ay pinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na masosolusyunan ito.

Sa panayam sa Pangulo sa Sonshine Media Network, sinabi nito na limang minuto na lang ang aabutin sa biyahe ng Cubao hanggang Makati bago matapos ang taon.

“You don’t have to worry about traffic… Cubao and Makati will be about five minutes na lang,” anang Pangulo.



“You just wait. Ayaw kong mag-ano —but things will improve… maybe God willing, December smooth sailing na,” aniya pa.

Matatandaan na noong panahon ng kampanya, sinabi ni Duterte sa isang campaign sortie ng PDP-Laban na ang pangakong masolusyunan ang traffic sa EDSA ang tanging hindi nito natupad sa kanyang mga pangako.

“Wala akong pangako na hindi ko natupad except ‘yang EDSA. Nangako ako na free tuition, nandiyan na ang batas. Nangako ako na free universal health care, pirmado ko na ang batas. Ano pa naman gusto?” saad ng Pangulo noong Pebrero.

Matatandaan na nagkaroon ng bill para maibigay kay Duterte ang emergency power para maayos ang malubhang trapiko sa Metro ngunit hindi ito napasa sa Senado.

The post Christmas gift? Biyaheng Cubao-Makati, 5 minuto na lang – Duterten appeared first on Philippine News.


* This article was originally published here

Post a Comment

1 Comments