Header Ads

10 OFW, ‘di pinagbentahan ng sapatos sa Kuwait


Kinutya, pinagtawanan at hindi pinagbentahan ng sapatos ang sampung overseas Filipino workers sa isang mall sa Kuwait.

Batay sa ulat, nakaranas ng racism at pangungutya ang sampu.

Pumila umano ng limang oras ang mga OFW upang bumili ng sapatos sa isang mall.

Ilang sandali lang, bigla na lang daw silang nilapitan ng manager at sinabihang hindi ibebenta ang sapatos sa mga Pilipino.
Nagtaka ang mga Pinoy sa hakbang ng manager na sinundan pa ng pangungutya ng mga Kuwaiti na nakapili rin noon.

Ipinamukha rin daw ng mga ito na ang perang ipapambili nila ng sapatos ay galing din sa kanila. Umani ng negatibong komento ang insidente. 

Tumanggi magbigay ng pahayag ang manager ng tindahan.


The post 10 OFW, ‘di pinagbentahan ng sapatos sa Kuwait appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments