Header Ads

Lapis na pwedeng itanim matapos gamitin, patok sa Cebu


Ibinebenta ngayon sa Cebu ang lapis na maaaring itanim kapag napudpod o nagamit na ito imbes na itapon.

Ang mga lapis ay produkto ng Eco Hub Cebu, na itinayo ni Mary Rose Arnejo, isang dating college instructor mula sa Cebu Institute of Technology-University noong Oktubre 2018.

Ayon sa ulat, una niyang nakita ang “plantable pencil concept” sa Sprout World, na siyang unang kumpanya na gumawa ng naturang produkto.

Aniya, ordinaryong lapis lang ang “plantable pencils” na may tip ng gelatine capsules na naglalaman ng binhi ng iba’t ibang halaman gaya ng mint, citronella at sili.
Maaari umanong ma-order ang plantable pencils sa Eco Hub Cebu Facebook page sa halagang P20.
[...]

Post a Comment

0 Comments