Header Ads

Kathryn tiis ganda ang drama sa Morocco


Tiniis at nagsakri-pisyo si Kathryn Bernardo sa ma-tinding init sa Middle East para lang ma-achieve ang ninanais niyang photo shoot.

Naka-post sa Instagram ni Kathryn ang ilang larawan na kuha sa dis-yerto ng Sahara, sa Morocco.
Long shot ang pagkakuha sa Teen Queen habang nakaupo ito sa disyerto at malayo ang tingin. Nabaliw ang mga kaibigan sa showbiz ni Kathryn gaya nina Kakai Bautista at Ryan Agoncillo.
Nakakapaso ang init sa Middle East ngayon. At sabi nga ni Kakai, “ANG INE-EEEEEEEETTTTTT!!!” Komento naman ni Ryan, “Baka ka mabalisawsaw.”
Pero, hindi ito a­lintana ni Kathryn dahil naka-jacket pa ito sa larawan.

Post a Comment

0 Comments