Header Ads

Batas na mag-aangat sa buhay ng mga mahihirap na Pinoy, tinintahan ni PDU30


Opisyal nang tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11291 o mas kilala bilang Magna Carta of the Poor.
Pangunahing layunin ng batas ay kilalanin ang karapatan ng mga mahihirap at tugunan ang kanilang mga pangangailangan para maiangat ang kanilang buhay.
Ayon sa batas, bubuo ang pamahalaan ng National Poverty Reduction Plan (NPRP) at paigtingin ang koordinasyon ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno.
Nakapaloob sa NPRP ang detalyadong plano kung papaano tutugunan ang karapatan ng mga mahihirap pagdating sa sapat na supply ng pagkain, edukasyon, bahay, disenteng trabaho at access sa mga pasilidad at serbisyo para sa kalusugan at iba pa.
Habang, bubuo naman ang National Economic Development Authority (NEDA) ng classification system para mas madaling matukoy ang mga beneficiaries ng mga proyekto at programa ng gobyerno.
Dapat ding bigyan ng prayoridad ng mga departmento ang pondong kinakailangan para sa programa para sa mga mahihirap ng DSWD, DOLE, TESDA, DEPED, CHED, NHA, DOH at iba pa.
[...]

Post a Comment

0 Comments