Header Ads

Walang kupas! Pacquiao dinungisan ang unbeaten record ni Thurman

 

Sa edad na 40-anyos, wala pa ring kupas ang ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Dinungisan ni Pacquiao ang unbeaten record ni Keith Thurman, 29-1 win loss record sa pagsungkit ng split decision win, 114-113 kay Thurman, 115-113 at 115-112 para kay Pacquiao, sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Linggo ng hapon sa ‘Pinas.

Ilang mga bigating boksingero ang nasa sidelines para manood ng upakan tulad nina International Boxing Federation welterweight champ Errol Spence Jr, maging ang mahigpit na karibal ni Pacquiao na si Floyd Mayweather Jr.

Sa first round pa lang ay pinadama na ng eight-time world division champion na hindi pa rin kumukupas ang lakas ng kanyang kamao.






30 segundo sa opening salvo, biglang rumatrat si PacMan, kumonekta ang isang right hook diretso sa panga ni Thurman.

Bagsak sa lona si Thurman, at bagama’t nakabangon ay naging momentum shift na para sa ‘Pambansang Kamao’, pinamalas ang angking bilis sa mga sumunod na round.

Pagdating ng fifth round, inaalagaan na ng corner ni Thurman ang pagdudugo ng ilong ng alaga.

Sa seventh, nakaramdam ng pangangailangang makabawi ni Thurman para maitakas ang panalo, nakatama ng upak sa ulo ni Pacquiao.






Sa tenth round, napuruhan ng fighting senator si Thurman matapos pakawalan ang left hook sa kargada ng Kano, kita ang pangingiwi sa sakit ni Thurman na inirereklamo na mula umano sa head butt ngunit hindi kinatigan ng referee.

Mas maraming napatama si Thurman, 208 kontra sa 192 lang ni Pacquiao, ngunit ilang mga naging difference ang knockdown score at pulidong 10th round performance ni PacMan.


The post Walang kupas! Pacquiao dinungisan ang unbeaten record ni Thurman appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments