Header Ads

$5.5 billion business deal mula Japan baon ni PDu30 pag-uwi ng bansa


Mag-uuwi si Pangulong Rodrigo Duterte ng $5.5 billion mula sa tinintahang 26 business deals sa pagitan ng Pilipinas at Japanese businessmen.

Pinasalamatan ng Pangulo ang miyembro ng Filipino at Japanese business delegation sa Japan para sa pagpirma ng mga business deals sa Pilipinas.

“I am pleased to know about your strong intention to invest and expand business operations in the new sectors of Philippine economy,” anang Pangulo.

Bilang ganti ay sinuguro ng pangulo sa mga businemess ang “competitive and corruption-free business climate, and a highly-skilled and fast-learning workforce.”

“I place my honor in what we promised to our partners especially the Japanese and the Japanese people,” dagadg pa ng pangulo.

Binigyang diin din ng Pangulo na bukod sa Build, Build, build ay dapat magtulungan ang dalawang bansa para sa mas mayabong na ekonomiya.

“More than Build-Build-Build, let us work together to Grow-Grow-Grow our economies.”

Ang Japan ay isa sa nagungunang investors at isang trading partner ng Pilipinas ayon kay Presidend Duterte.

Ayon Trade Secretary Ramon Lopez, na 26 business deals ang pinirmahan ng Pilipinas at Japan.

Umabot sa $5.5 billion o P288.804 billion ang kabuuang halaga ng nasabing business deals na inaasahang lilikha ng 82, 737 trabaho sa bansa. 

Post a Comment

0 Comments