Mamimigay ng nasa 13,000 land titles sa benepisyaryo ng agrarian reform si President Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa General Santos, South Cotabato sa Huwebes.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ibabahagi sa mga magsasaka ang certificates of land ownership na nasa 24,000 hektarya ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Panelo, tutungo ang Presidente at si Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa General Santos sa Huwebes, Hunyo 13.
“DAR Secretary Castriciones discussed the Implementing Rules and Regulations of Executive Order 75 with the President during the Cabinet meeting last Monday night,” ani Panelo.
Ayon sa pinirmahan ng Presidente na Executive Order 75 noong Pebrero 15, inatasan lahat ng ahensya na alamin ang mga lupang pagmamay-ari ng gobyerno para maibigay sa mga ‘qualified beneficiaries’.
Dagdag pa ni Panelo, may tatlong taon pa aniya ang Presidente para sa[...]
The post ‘PDU30, mamimigay ng 13K titulo ng lupa appeared first on Philippine News.
0 Comments