Header Ads

Cheryl at Maricar, pinakakasuhan na sa sexual harassment kay Fullido


Nakitaan ng probable cause para kasuhan sina ABS-CBN executives Cheryl Favila at Maricar Asprec kaugnay ng sexual harassment case na isinampa laban sa kanila ni showbiz reporter Gretchen Fullido sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa report, hindi pinaboran ng mga investigation prosecutor ang desisyon ng pamunuan ng ABS-CBN na ibasura ang sexual harassment complaint ni Fullido dahil existent umano ang elements of the crime sa ilalim ng Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act sa naturang kaso.

Nag-ugat ang reklamo ni Fullido dahil sa diumano’y tatlong taon na siyang ginipit sa trabaho ng dalawang dating executive official matapos nitong tanggihan ang kanilang sexual favors.

Post a Comment

0 Comments