Header Ads

Wala akong laban! Jimmy Bondoc nag-sorry kay Angel Locsin



Ayon kay Jimmy Bondoc, wala umano siyang laban sa kasikatan ni Angel Locsin.

Sa panayam ni Mocha Uson sa singer na ngayo’y nagtatrabaho sa Pagcor, humingi ito ng paumanhin kay Angel dahil sa post nito sa Facebook na hindi man hayagang sinabi na para sa ABS-CBN ay tingin ng iba’y patama ito sa nasabing network.

Sa post, natutuwa umano si Bondoc dahil sa posibleng pagbagsak ng TV network na pinagbintangang namumulitika at may mga nagaganap na sexual harassment.

Saad naman ni Angel, tila nasisiyahan pa si Jimmy sa posibleng pagkawala ng trabago ng libong Pinoy.

“Una sa lahat, buong-buo po ang respeto ko sa inyo bilang babae, bilang kapwa entertainer.

“Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan. Diyan po nagmumula ang maraming problema ng bayan natin. Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha yung buong side ko. So ang message ko lang is, kung ano man yung personal na nasaktan sa kanya dun sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po,” ayon kay Jimmy.

Ngunit bumanat ito sa huli na sana raw ay sagutin nila ang kanyang alegasyon.

[...]


* This article was originally published here



Post a Comment

0 Comments