Header Ads

Sexy dancer tinitigan ni Ion, Vice Ganda nagselos


Nakakatuwa palang magselos si Vice Ganda, ha! Hindi talaga niya pinapalampas at kinukumpronta talaga niya ang lalake.
Sa isang episode ng “It’s Showtime,” may bagong ipinakilala na dancer. At sa segment na ‘yon, gusto ngang pag-showdown-in ang bagong dancer at si Jackie ‘Ate Gurl’ Gonzaga.
At siyempre, sa segment na ‘yon ay katabi ni Vice ang dyowa niyang si Ion Perez. Eh, nu’ng moment na ‘yon, kitang-kita ni Vice na titig na titig si Ion sa bagong dancer, na in fairness ay maganda at seksi rin, ha!
Kaya sinita talaga niya si Ion, na bakit titig na titig sa bagong dancer na ‘yon. At kaloka, dahil inutusan talaga ni Vice si Ion na tumalikod para hindi makatingin sa bagong dancer.
Pero, sa pagtalikod ni Ion, nakita pa rin ang monitor (video wall) ng showdown, kaya walang lusot at nakita pa rin ni Ion ang bagong dancer.
Anyway, nakatawa naman si Vice habang ginagawa niya ‘yon, o sinisita niya si Ion. Pero, cute ng selos-selos na ‘yon, ha! (Dondon Sermino)
[...]

Post a Comment

0 Comments